Isang babae na patuloy na
naglalakbay at dito’y nahubog at namulat ang mga mata sa realidad ng buhay. Sa pinagtagpi-tagping
mga makukulay na karanasan ay isang pagkatao ang nabuo na patuloy na sinusubok
ng panahon at mundo. Sa kabila ng lahat ng nangyayari ay hindi natinag at
nagpapahuli sa pag-abot ng pangarap.
Ang
aking buong pangalan ay Kristina L. Roferos, mas kilala sa nakararami na si
Tinay o Tintin. Isinilang ako noong ika-25 ng Mayo 1994 sa lungsod ng Catarman,
probinsiya ng Hilagang Samar. Bunsong anak ako ng mag-asawang sina Ernido M.
Roferos, isang nagtatrabaho sa banko, at Vicenta L. Roferos, isang negosyante. Ang
aking apat na nakatatandang mga kapatid ay lahat na nakapagtapos sa kolehiyo.
Sa gulang na labing-isa, ang aking ama ay pumanaw na dahil sa sakit sa utak.
Nagsimula
ako pumasok sa paaralan noong apat na
taong gulang sa San Lorenzo Ruiz de Manila House of Montesorri. Sa elementarya,
ako ay nag-aral sa Catarman SPED Center, kung saan una akong nangarap at
nagsimulang magsumikap na sa pagtatapos ng bawat taon sa eskwela ay
makatungtong ako kasama ang aking ina sa entablado. Sa awa ng Diyos ay nagawa
ko naman ang mga iyon. Ipinasok ako ng aking ina sa University of Eastern Philippines
Laboratory High School para sa aking sekondaryang edukasyon. Patuloy ko
tinutupad ang aking mga pangarap, ngunit hindi ito naging madali. Sinubok ang
aking pagkatao lalo na ang aking kakayahan. Naranasan kong makakuha ng mababang
marka at muntik na hindi makauwi ng karangalan sa pagtatapos. Ito’y naging aral
na lagi kong dala hanggang sa pagtungtong ko sa Kolehiyo ng San Beda hanggang
sa pagtatapos ko ng kursong B.S. Accountancy. Patuloy ako nagpapasalamat sa
Kanya at hindi niya ako pinabayaan.
Sa
aking buhay, hindi ko iginugugol ang lahat ng aking oras sa pag-aaral. Aktibong
miyembro ako nf CFC- Youth For Christ na kung saan bilang mga kabataan ay hindi
naming pinapabayaan ang personal na relasyon sa Diyos habang sinusulit ang
panahon bilang “teenager.” Tinutulungan din naming ang aming kapwa na maniwala
at magdasal. Patuloy din ang aking pagtulong sa mga bata na hindi sakto ang
kalusugan doon sa aming probinsiya. Kasama ang Girl Scout of the Philippines sa
mga proyekto na tulad ng pagpapakain doon sa amin.
Matapos
ang mga karanasan na aking napagdaanan, napagtanto ko ang importansiya ng mga
taong lagging nariyan para sa akin. Ang aking pamilya, kaibigan, kamag-aral at
sa mga taong di ko napapansin, ngunit nag-iiwan pala ng mga aral sa aking
buhay. Sila ang aking itinuturing na yaman na hindi mapapalitan ng pera o
karangalan. Sila ang nagbibigay ngiti sa aking mga labi at inspirasyon upang
pagbutihin sa lahat ng aking ginagawa sa bawat pagkadapa, pagtawa, pag-iyak,
pag-ngiti, alam ko na kasama ko sila hanggang sa dulo.
Parte
ng buhay ang mabigi, ngunit hindi na ito ang katapusan ng mundo ko. May mga
panahon na gusto ko na sumuko, ngunit naisip ko ang mga pangarap na nais ko
makamit di lamang para sa sarili ko kundi pati na rin sa mga taong mahalaga sa
akin. Patuloy man makipaglaro ang tadhana sa akin at ihampas ang malalaking
alon ng pagsubok, alam ko na nariyan ang Diyos upang pagtibayin ang Bangka na
aking sinasakyan sa paglalakbay. Patuloy akong mangangarap at aabutin sakay sa Bangka
ni Tinay.